Miyerkules, Abril 16, 2014

Ang Panitikan ng Rehiyon IX





 Zamboanga Peninsula

Ang rehiyong nasa katimugan ng Pilipinas ay ang Rehiyon IX.Ang Zamboanga del Norte,Zamboanga del Sur,Zamboanga Sibugay at Basilan ang bumubuo ng rehiyong ito.May apat itong Lungsod ang Dapitan,Dipolog,Pagadian at Zamboanga.Ang sukat ng buong rehiyon ay humigit kumulang sa 15,997.3 kilometrong parisukat.Ito ay mabundok na rehiyon at  sa Zamboanga del Norte matatagpuan ang  pinakamataas na bundok Dabiah.Matataas ang kinikita  sa pagsasaka dahil sa kalakihan ng rehiyon  subalit mababa ang establisyemento.Pangunahing  hanapbuhay ng mga tao rito ang pangingisda lalo na sa Basilan.Sa Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte naman ay pagsasaka,paghahayupan at kaunting pangingisda.Hanapbuhay rin dito ang panghuhuli ng mga pawikan o pagong at ang pangongolekta ng mga itlog nito.Sa mga nakalipas  na panahon dahil sa maraming  suplay ng pangkagubatang produkto,nakilala ang rehiyon bilang angkatan ng mga kahoy.Sa kasalukuyan ang mga troso na mula pa noong unang panahon ay nanggagaling na sa matandang kagubatan  ay unti unti na ring nawawala.Ang lungsod ng Zamboanga ang sentro ng kalakalan ng rehiyon.Ang Basilan ang itinuturing na may pinakamaraming produksyon ng goma sa buong mundo ng Pilipinas at ang Zamboanga del Sur naman ay kinilala sa pagtotroso.

Ang Zamboanga na tinaguriang “Zambangan” na lalong kilala sa tawag na Lupain ng mga Bulaklak ay tinanghal bilang primera klaseng lungsod.Noong ika-6 ng Hulyo,1952 ang lupain ng mga bulaklak ay nahati sa dalawang probinsya ang Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.Ang Zamboanga del Norte ay mayaman sa mga yamang mineral na kadalasan ay non-metallic .Ito ay mga durog na bato,asbestos ,buhangin,graba at iba pa.Dipolog ang kabisera ng lalawigan.May magaganda rin itong tanawin   ang Aplaya o tabing dagat tulad ng Sinipang Bay at may mahiwagang kwebang matatagpuan dito tulad ng Manuban,Katipunan,Roxas at Labason.Isa sa mga mahalaga at makasaysayang lugar ng probinsya  ay ang Dapitan  Shrine kung saan pinatapon bago pinatay si Dr.Jose Rizal.Ang Zamboanga del Sur ay galing sa salitang Malay na ang ibig sabihin ay paso o lalagyan ng bulaklak.Pagadian City ang kabisera nito na mas kilala sa tawag na Little Hongkong ng Pilipinas dahil sa heograpikal na pagkakatulad ng lokasyon sa Hongkong.Naitatag ito sa bisa ng RA Blg. 711 noong Septyembre 17, 1952.Mayroon ding produksyon ng mineral ang lugar na ito pero karamihan ay metallic tulad ng aluminum,ginto,tanso,tingga,nickel,chromite,pyrite,hematitie, at zinc.Ang mga non-metallic naman ay uling,asin,lupa,buhanging,graba,asbestos,marmol,silica at iba pa.May magagandang tanawin dito tulad ng Pasonanca Park,ang tatlong daang taong Fort Pilar na kung saan naroon ang grotto ng Lady of Pilar,ang Sta.Cruz na isang islang may magagandang baybay-dagat at makukulay na mga korales at ang Barter Trade Market na bilihan ng mga gamit pang Muslim.Rehiyon ito ng magaganda at makukulay na mga vinta at layag.Matatagpuan sa rehiyon ng Tangway ng Zamboanga sa Mindanao ang Zamboanga Sibugay.Ipil ang kabisera nito.Ito ay ganap na naging lalawigan sa bisa ng  Batas Republika Bilang 8973 noong 22 Pebrero 2001 at binubuo ng 16 munisiplidad.Ang ikahuli ay ang Basilan na matatagpuan
sa katimugang bahagi ng Zamboanga del Sur.Dati itong bahagi ng Zamboanga del Sur subalit ng lumaon ito’y inihiwalay sa pamamagitan ng Presidential Decree Blg.356 noong Disyembre 27, 1973.Ito ang pinakamaliit sa apat na lalawigan ng Rehiyon IX at binubuo ito ng tatlong munisipalidad ang Isabela,na siyang kabisera nito,Lamitan at Maluso.

Mga Tao at Kultura

Marami sa mga naninirahan dito ay mga Muslim,Pagano at mga Kristiyano.May ibat ibang pangkat ng Muslim gaya ng Tausog,Subanon,Yakan at Samal na naninirahan sa Basilan.Maraming mga Sebuano ang naninirahan dito kaya’t Cebuano ay isa sa mga diyalektong sinasalita.
Mahilig sila sa mga musika at mga sayaw sa saliw ng mga gong.Makukulay ang mga kasuotan.May iba’t-ibang wikain tulad ng Bagjao,Cebuano,Kalibugan,Tausog,Subanum,Sanduka,Sibuku,Sama at Chabakano.
Ang mga Muslim ay may tradisyong tinatawag na Ramadan o Pausa.Ito ay ang hindi pagkain ng mahabang panahon bilang sakripisyo at alay kay Allah,ang diyos ng mga Muslim.Matapos  ang mahabang panahon ng hindi pagkain o sakripisyo ay nagdiriwang naman sila ng kapistahan na kung tawagin ay Hariraya Hadji.Mayroon pa rin silang isang tradisyon na ginaganap isang buwan sa isang taon at apat na beses sa isang buwan tuwing Huwebes.Ang mag-aanak ay sabay-sabay na maliligo sa dagat.Ang tawagdito ay Tulak Bala
May paniniwalang ang mga Muslim na ang isang namatay ay dapat suotan ng kanyang paboritong damit at bigyan o pabaunan ng tubig at pagkain dahil malayo ang lalakbayin nito.
Ang mga Muslim ay hindi kumakain ng baboy dahil para sa kanila ito ay marumi.Dito rin matatagpuan ang mga Samals na magagaling sa paggawa ng Bangka na ang tawag ay Vintas.Itinuturing silang matatapang na mandirigma sa dagat.Magaling din silang magsaka ng lupa at balita rin sa paggawa ng tanso.Nanatili pa rin ang kaugalian ng mga Tausog na ang mga magulang ang mag-aasikaso upang makasal ang kanilang mga anak kahit na hindi pa nila halos kilala ang bawat isa.Dapat na magbigay ng dote ang lalaki sa magulang ng babae na maaring alahas,pera,lupa o mga ani.
Nararapat na magsuot ang mga babaeng muslim ng damit na mahaba ang manggas  at ang tabas ng damit sa leeg ay makipot o “closed neck”.Ang kanilang palda ay sarong.Ang mayamang muslim  ay nagsususuot ng sedang sarong na magaganda ang kulay at disenyo  na may palamuting perlas.Sa mga lalaki naman ang mahigpit na jacket  at mahigpit na manggas.Ang pantalon ay koton,may mahabang sash na nakapalibot sa kanilang baywang.At kapag sila ay nagtatrabaho sa init ng araw ay nagsusuot sila ng sarong na sumbrerong kahawig ng salakot.

Sining
Kung sining ang pag-uusapan ang Rehiyon IX ay may natatanging sayaw tulad:
* SUA-SUA- isang sayaw sa pag-iisang dibdib,
*SINGKIL- ang sayaw ng isang prinsesa na pinapayungan habang madamdaming humahakbang sa apat na kawayan.Halos katulad ito ng Tinikling; at ang
 *KOPARANGKAMANIS-ay sayaw panghukuman.

Panitikan
May ibat-ibang anyo ng Panitikan ang rehiyong ito tulad ng mga sumusunod:
a   A.    Iringa o Kwentong Bayan
Hal. Si-amo ago si bowaya at Manik Buangsi
b   B.  Kwentong Subanon
c   C.    Alamat ng Yakan
d   D. Kabaraperanga-mga tulang papuri sa bayani ng digmaan.
e   E.     Panaroon-mga salawikain
     F     Antoka-bugtong (sa Tausog Tigum-Tigum) 
    G. Dedao so wata-awit sa pagpapatulog ng bata.

Mga Halimbawa ng Akda:
a.       Alianapia(Tausog)
b.      The Guman of Dumalinao(Subanon of the Samboanga Peninsula)
c.       Ang tobig Nog Kibiklagan-kwentong panghimagsikan (Subanon)
d.      Su Guksugan Mikatag de Taibun-kwentong pag-ibig
e.       Se Ketubo ni Daugbulawan-Buhay ni Daugbulawan(Subanon)

 Alamat

Kahulugan ng Alamat

     Isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legend" ng ingles.



Anghel sa Kalangitan
 (alamat kung bakit umuulan)

Nooong unang panahon ang mga tao sa mundo ay nagtataka kung bakit umuulan. Umaga hanggang gabi ay nag-iisip sila, subalit wala ni isa sa kanila ang makapagsabi. Ngunit isang araw, ang kanilang katanungan ay umabot sa Diyos. Sabi ng Bathala.” Gabriyel, magtungo kasa mundo at sabihin mo sa mga tao na umuulan dahil ang mga anghel ay naliligo. Dahil dito pumunta si Gabriyel, sa mundo ng mga tao at sinabi sa mga tao na umuulan dahil naliligo ang mga anghel. At pagkatapos noon ay bumalik na si Gabriel sa langit.

ANG DALAWANG BUNBOK
(alamat ng dalawang bundokna nakatayo sa karatagan sa pagitan ng Zamboanga at Jolo.)

     Noong unang panahon, may isang mag-asawang bagong kasal lamang. Gustong-gusto nilang bisitahin ang mga magulang sa Zamboanga. Isang araw, nagpaalam sila sa mga magulang ng babae na pupunta sila sa Zamboanga. Nang sila ay payagan, hiniram nila ang vinta at layag ng ama ng babae.Inayos ng lalaki ang vinta at layag. Sinibukan niya ang layag na ito at maayos naman.Pagkatapos nila sa paghahanda ng vinta, pinuno nila ito ng pagkain at sila ay naglayag isang araw ng Biyernes. Umaga pa lamamg ng araw ay nagsimula na silang maglayag. Habang sila ay naglalayag naitulak ng malakas ng hangin ang kanilang vinta patungo sa karagatang ng Sulu hangang marating nila ang Lampinigan sa Basilan. Pagkatapos ng isang lingo ay narating din nila ang Zambaoanga, nagtungo sila sa bahay ng magulang ng lalaki .Masaya ang mga magulang ng lalaki at ang kanilang anak ay nakapangasawa ng mabait at magandang babae.
 Isang araw, pagkalipas ng isang taon, nagpaalam naang babae sa kanyang biyenan. Araw din ng Biyernes ng sila ay umalis patungo sa Jolo. Ang dagat ay tahimik at walang makitang alon. Naghintay sila na umihip ang hangin. At nagsimula nga umihip ang hanging amihan. At nang hatinggabi na, ang ihip ng hangin ay nagbago at ang kapaligiran ay dumilim bigla, nagkaroon ng bagyo. Wala na silang masisilungan dahil sila nasa gitna ng karagatan. Hindi nila mapigil ang kanilang vinta
sa lakas ng hagin. Habang hinahampas ang kanilang bangka ng mga alon, sila ay nagdarasal na lamang sa Diyos. “ O Diyos ko pagpalain mo po kami. At kung kami po ay mamamatay, sana po ang katawan namin ay maging dalawang kabundukan”, sabi ng lalaki. Pagkatapos nilang magdasal sa Diyos at sa propeta nilang si Mohammed, nagyakapan silang dalawa. Pagkalipas ng isang sandali tinamaan sila ng malakas na alon at sila ay tumilapon sa dagat. Hindi na sila nakita. Pagkatapos ng bagyo ay lumitaw ang dalawang bundok sa gitna ng karagatan. Ito ang pinagmulan ng dalawang kabundukan na nakatayo sa karatagan sa pagitan ng Zamboanga at Jolo.


KWENTONG BAYAN (Zamboanga)

MANIK BUANGSI
Hitik sa pakikipagsapalaran at hiwaga ang bumabalot sa kwentong Manik Buangsi.Puno rin ito ng damdaming makamandag, pagkainggit, kawalan ng tiwala sa kapwa, at kahinaan ng tao.Tunghayan natin ang mga pangyayari.

Noon ay may isang sultan na may pitong anak na dalaga. Ang bunso ang pinakamaganda sa lahat. Ang kanyang pangalan ay Tuan Putli. Nang magdalaga si Tuan Putli ay maraming dugong bughaw ang lumigaw sa kanya. Ngunit hindi niya pinansin ang mga ito, sapagkat sa kanyang panaginip ay nakita na niya ang lalaki na kanyang iniibig. Siya ay si Manik Buangsi. Datapwat si Manik Buangsi ay hindi isang pangkaranwang tao. Siya ang nilalang na walang kamatayan at nakatira sa pook ng mga bathala. Sa panaginip lang niya dinadalaw si Tuan Putli. Dumating ang araw na hindi na matiis pa ni Manik Buangsi ang kanyang pag-ibig kay Tuan Putli. Kung kayat kinausap niya si Allah. Pumayag naman si Allah na bumaba isi Manik Buangsi sa lupa.  Si manik Buangsi ay nag-anyong isang ginuntuang bayabas. Napasakamay siya ng isang matandang babae na pulubi. Nag bigyan ni Tuan Putli ang pulubi ng limos ay ibinigay naman ng pulubi ang prutas sa kanya. “Itanim mo ito sa hardin,” ang bilin ng pulubi kay Tuan Putli.”“ Ang bungang nito ay siyang iyong kapalaran!”. Itinanim ni Tuan Putli ang bunga. Tumubo agad ito at nagbunga ng marami. Pinitas nito ang pinakamalaki at pinakamgandang bunga at iyo ay dinala niya sa loob ng kanyang silid. Sa loob ng bungang iyon ay naroon si Manik Buangsi. Sa gabi, nagmumula sa bungang iyon ang isang kakaibang liwanag. Pagkatapos, lalabas si Manik Buangsi at panonoorin ang mukha isang magandang dayang-dayang. Saka lamang siya bumabalik sa loob ng bunga kapag tumilaok na ang manok. Ngunit sa isang pagkakaton ay nakatulog si Manik Baungsi. Nang magising siya ay nakasikat na ang araw. Gayon na lamang ang pagtataka ng dalaga. “Kung gayon, isa kang katotohanan!” bulalas ni Tuan Putli. Ngumiti si Manik Buangsi. “oo Wika niya. At narito ako upang pakasalan ka!. Naganap ang kasalan ni Tuan Putli at Manik Buangsi at sa piging na iyon ay bumaba ang mga bathala mula sa kalangitan upang masaksihan ang pag-iisang dibdib ni Tuan Putli at
Manik Buangsi. Nanatili sina Manik Buangsi at Tuan Putli sa lupa. Sa kabilang dako, naninibugho ang mga kapatid ni Tuan Putli sa kanyang magandang kapalaran. Hanggang sa naisip ng tatlong dalaga na sirain ang magandang ugnayan ng dalawa. “ Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo,” sabi ng isa kay Tuan Putli. “ Maaring isa lamang siyang masamang espirito!” “ Maganda siyang lalaki,” wika pa ng isa pa. “ sigurado mo bang ikaw lang ang babaeng minamahal niya?” “ Sa tingin ko ay isa ka lamang sa mga babaeng dumaan sa buhay niya,” sabi sa kanya ng isa pa, “Paluluhain ka niya balang araw!”  Dahil sa patuloy sa paninira ng kanyang mga kapatid ay tuluyan nang nalason ang kanyang isipan. Naging selosa si Tuan Putli sa kalaunan. Palagi na niyang inaaway si Manik Buangsi. Hanggang sa dumating ang panahong napuno na si Manik Buangsi. Ipinasiya niyang bumalik na sa kanyang pinagmulan. Sa kapangyarihang taglay niya ay biglang isang lumabas ang isang mabikas na puting kabayo at isang kris. Nagsisi si Tuan Putli at nagmakaawang isama siya ni Manik Buangsi. Pumayag naman si Manik Buangsi.Sa kanilang paglalakbay ay biglang binalot sila ng makapal sa alikabok. Ang mga dahon ng mga damo sa paligid ay nagmistulang kris, ngunit buong tapang na sinagupa ni Manik Buangsi ang lahat. Hanggang sa dumating sila sa isang mahaba at makipot na tulay. Sa ilalim ng tulay ay isang ilog na kumukulo at mula roon ay maririnig ang daing ng mga nagdudurusa kaluluwa.
Mahigpit ang yakap ni Tuan Putli sa baywang ng asawa. “ hindi ako magdidilat ng mata,” pangako niya. “ pipikit ako!.” Nagsimula silang tumawid sa makipot sa tulay, sakay ng kabayo. Ngunit hindi kaginsa-ginsa’y, biglang nakarinig ng tinig si Tuan Putli. Siya ang tinatawag nito.“Tuan Putli! Tuan Putli! Tuan Putli!” daing ng tinig. Ang tinig na iyon at tulad ng kanyang yumaong ina! Bigla nitong iminulat ang mga mata at tumingin sa ibaba. Dahil sa takot sa nakita ay nakabitaw
ito at nahulog sa kailaliman. Mula noon mag-isa na lang si Manik Buangsi na nakarating sa kaharian, ngunit malungkot ito sa pagkamatay ng asawang hindi nakinig sa kanya.

Awiting Bayan

   INAKU DURINGDING (Awiting Bayan mula sa Zamboanga)
Inaku duringding
Umaga na yata
Nagtitilaukan na
Ang manok sa lupa.
Kayat ang sabi ko
Sa matanda’t bata
Matulog n ngayon
Bukas ay gawa.
  DORI-DORI SINGKIL


   
Dori-Dori Singkil
Mang Manuel
Dagil Mang
 Iskong Kolikoy
At mang Juan Bambo.

   Isang Awit
a.Dont you go,don’t you go to far Zamboanga,
where you may forget your darling far away.
b. Tap Tap mamamayan (Ang Pag-ibig natin)
 Tap Tap mamayan ha daimman
 Ing saksi nato ing kiraman
Ikaw baa-yan buddiman
 Tungal wai limbangan.
     Salin sa Filipino

Pag-ibig nati’y walang katapusan
Saksi nating ang kalangitan
Ikaw’y ubod ng kadalisayan
Isang walang makapantay.

Ang Bugtong ng Rehiyon IX

Ayon kay Charles Francis Potter ay isang mahalagang metapora at ito ay resulta ng pangunahing prosesong mental ng pagsasama-sama, at ito ay pagkakahawig, at persepsyong pagkakapareho at pagkakaiba.Ang bugtong ay isang paligsahan ng kaalaman at isang paraan upang madebelop ang talas ng pag-iisip at obserbasyon.
Para naman kay Allan Dendes at Robert Georges ang bugtong ay isang tradisyonal na ekspresyon na naglalaman ng isa o o mahigit pang elementong naglalarawan, pares na ang isa ay tutol na nangangailangan ng kasagutan na maaring hulaan.
Ang bugtong ay isa sa pinakaunang porma ng pag-iisip.Ang mga primitibong tao ang nagsimula nito.Subalit noon ito ay kilala bilang isang sagrado at pinaniniwalaang nagtataglay ng kapangyarihan.Ito ay isang berbal na laro o isang paligsahan sa talas ng kaisipan na naging popular na libangan.Ang tawag ng mga Tausog sa bugtong ay “tigumtigumo tukodtukod” na mula sa salitang tukod na ang ibig sabihin ay hulaan.May dalawang uri ng bugtong ang mga Tausog:ang isa ay ang tinatanong sa isang kaswal na pag-uusap at ang ikalawa ay ang inaawit sa isang okasyon.Subalit sa parehong kaso, ang
taong pinagtatanungan o taong kinakausap ay kinakailangang magbigay ng kasagutan.Subalit ang mang-aawit na siyang umaawit ng bugtong ang siyang magbibigay ng kasagutan pagkatapos manghula ng mga manonood.

Mga Manunulat ng Rehiyon IX

Antonio Descallar
Isinilang sa Sindangan Zamboanga noong Hunyo 15, 1952.Nag-aral sa isang pampublikong paaralan  at nagtapos ng kanyang pag-aaral sa  Misamis Occidental Institute at sa College of law sa AU.Nagwagi siya ng unang gantimpala sa timpalak ng pagsulat ng tula na ginanap noong 1949.Kauna-unaha niyang tula na napalimbag ay ang “Now Before the Conqueror”.
Antonio Enrique
Siya ay sumulat ng mga maikling kwento tungkol sa mga kristiyano at mga Muslim sa Timog na nakatagpo at nakasalamuha niya sa buhay,tungkol sa probinsya,bayan at mga baryong kanyang tinitirhan at binibisita at tungkol sa mga obserbasyon at mga karanasan.Tumanggap siya ng dalawang gantimpala sa Palanca sa kanyang maikling kwento sa
Ingles,ikatlo noong 1969,una noong 1973.Pinalimbag ng writers Association of Dumaguete City ang kanyang unang aklat ang “Spot On Their Wings”.
Ignacio Alvarez Enrique
Pinanganak sa Zamboanga City kung saan din niya tinapos ang  kanyang pre-college  education.Pumunta sa AU,kung saan niya natapos ang AB degree(1951) at matapos iyon ay nag-aral siya  sa University of IOWA.Bilang iskolar narrating niya ang University of Madrid.Pinagkalooban siya ng salapi ng pamilya Zobel de Ayala.Mula noon sinimulan niyang sulatin ang kanyang nobelang “ The House Juan” na hindi naipalimbag.Dalawa sa kanyang maikling kwento ay nagwagi sa Philippine Free Press Short Story Contest.”Death of a House”,ikalawang gantimpala,1951 at “The Doll”,ikatlong gantimpala. Noong Pebrero 20, 1971 ay ipinalabas sa UE sa Auditorium ang dulang “As Between Two Mirrors” na kanyang isinulat at hinango sa kanyang nobela.Ang iba pang aklat niya na naipalimbag ay ang “Three Philippine Epic,Plays at House of Images”(1953), at ang The White House of Ali at Other Stories”(1985).
Olivia Acas
Baguhan pa lamang siya sa larangan ng pagsusulat ng tula ngunit ang kanyang mga naisulat ay naipalimbag na sa palimbagan.
Ibrahim A. Jubair

Siya ang kauna-unahang fictionist ng Zamboanga na ginantimpalaan ng Presidential Certificate of Merit in Literature for Teaching the Filipino-Muslim sa kanyang panahon.Bukod sa pagiging manunulat ng tula at mamamahayag  isa rin siyang kolumnista sa isang pahayagan ng Zamboanga City at editor ng Cresent Review.Ang aklat I Jubaira ay ipinalimbag hindi lang ng Free Press Pacific Quarterly(South Korea) at ng The Times of Ceylon.
Gonzalo Villa
Isang manunulat ng maikling kwento at mananalaysay,ipinanganak sa Zamboanga City ng isang maykayang pamilya .Naging news editor siya ng Atenean ,isang pampaaralang pahayagan na siyang pinaglathalaan ng ilang mga akda niya.Una niyang kwento ang “When Death Struck”.Nagwagi siya sa Pambansang Paligsahan sa pagsulat ng sanaysay noong 1946,ito’y pinamagatang “The Role of America in the Rehabilitation of the Philippines”.Kabilang sa mga sinulat niyang nagwagi ng gantimpala ay ang Footnoteof America at pinalitan niya ng “Death of Illusion”, “Barrio Miracle”, “A Voice of Rama”.


Isinaliksik ni:

 
Mike Angelo Azaña Obiña
BSEd 2B

Isinaliksik para kay:

 

Dr Clarita M. Peña
Instruktor


Sanggunian:

 http://www.slideshare.net/MichelleFlorida/panitikan-ng-rehiyon
 http://zambo.da.gov.ph/profile.html


6 (na) komento: