Zamboanga Peninsula
Ang rehiyong nasa
katimugan ng Pilipinas ay ang Rehiyon IX.Ang Zamboanga del Norte,Zamboanga del
Sur,Zamboanga Sibugay at Basilan ang bumubuo ng rehiyong ito.May apat itong
Lungsod ang Dapitan,Dipolog,Pagadian at Zamboanga.Ang sukat ng buong rehiyon ay
humigit kumulang sa 15,997.3 kilometrong parisukat.Ito ay mabundok na rehiyon
at sa Zamboanga del Norte matatagpuan
ang pinakamataas na bundok Dabiah.Matataas ang kinikita sa pagsasaka dahil sa kalakihan ng
rehiyon subalit mababa ang
establisyemento.Pangunahing hanapbuhay
ng mga tao rito ang pangingisda lalo na sa Basilan.Sa Zamboanga del Sur at
Zamboanga del Norte naman ay pagsasaka,paghahayupan at kaunting
pangingisda.Hanapbuhay rin dito ang panghuhuli ng mga pawikan o pagong at ang
pangongolekta ng mga itlog nito.Sa mga nakalipas na panahon dahil sa maraming suplay ng pangkagubatang produkto,nakilala
ang rehiyon bilang angkatan ng mga kahoy.Sa kasalukuyan ang mga troso na mula
pa noong unang panahon ay nanggagaling na sa matandang kagubatan ay unti unti na ring nawawala.Ang lungsod ng
Zamboanga ang sentro ng kalakalan ng rehiyon.Ang Basilan ang itinuturing na may
pinakamaraming produksyon ng goma sa buong mundo ng Pilipinas at ang Zamboanga
del Sur naman ay kinilala sa pagtotroso.
Ang Zamboanga na tinaguriang “Zambangan” na
lalong kilala sa tawag na Lupain ng mga Bulaklak ay tinanghal bilang primera
klaseng lungsod.Noong ika-6 ng Hulyo,1952 ang lupain ng mga bulaklak ay nahati
sa dalawang probinsya ang Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.Ang
Zamboanga del Norte ay mayaman sa mga yamang mineral na kadalasan ay
non-metallic .Ito ay mga durog na bato,asbestos ,buhangin,graba at iba pa.Dipolog
ang kabisera ng lalawigan.May magaganda rin itong tanawin ang Aplaya o tabing dagat tulad ng Sinipang
Bay at may mahiwagang kwebang matatagpuan dito tulad ng Manuban,Katipunan,Roxas
at Labason.Isa sa mga mahalaga at makasaysayang lugar ng probinsya ay ang Dapitan Shrine kung saan pinatapon bago pinatay si
Dr.Jose Rizal.Ang Zamboanga del Sur ay galing sa salitang Malay na ang ibig
sabihin ay paso o lalagyan ng bulaklak.Pagadian City ang kabisera nito na mas
kilala sa tawag na Little Hongkong ng Pilipinas dahil sa heograpikal na
pagkakatulad ng lokasyon sa Hongkong.Naitatag ito sa bisa ng RA Blg. 711 noong
Septyembre 17, 1952.Mayroon ding produksyon ng mineral ang lugar na ito pero
karamihan ay metallic tulad ng
aluminum,ginto,tanso,tingga,nickel,chromite,pyrite,hematitie, at zinc.Ang mga
non-metallic naman ay uling,asin,lupa,buhanging,graba,asbestos,marmol,silica at
iba pa.May magagandang tanawin dito tulad ng Pasonanca Park,ang tatlong daang
taong Fort Pilar na kung saan naroon ang grotto ng Lady of Pilar,ang Sta.Cruz
na isang islang may magagandang baybay-dagat at makukulay na mga korales at ang
Barter Trade Market na bilihan ng mga gamit pang Muslim.Rehiyon ito ng
magaganda at makukulay na mga vinta at layag.Matatagpuan sa rehiyon ng Tangway
ng Zamboanga sa Mindanao ang Zamboanga Sibugay.Ipil ang kabisera nito.Ito ay
ganap na naging lalawigan sa bisa ng
Batas Republika Bilang 8973 noong 22 Pebrero 2001 at binubuo ng 16
munisiplidad.Ang ikahuli ay ang Basilan na matatagpuan
sa katimugang bahagi ng
Zamboanga del Sur.Dati itong bahagi ng Zamboanga del Sur subalit ng lumaon
ito’y inihiwalay sa pamamagitan ng Presidential Decree Blg.356 noong Disyembre
27, 1973.Ito ang pinakamaliit sa apat na lalawigan ng Rehiyon IX at binubuo ito
ng tatlong munisipalidad ang Isabela,na siyang kabisera nito,Lamitan at Maluso.
Mga Tao at Kultura
Marami sa mga
naninirahan dito ay mga Muslim,Pagano at mga Kristiyano.May ibat ibang pangkat
ng Muslim gaya ng Tausog,Subanon,Yakan at Samal na naninirahan sa
Basilan.Maraming mga Sebuano ang naninirahan dito kaya’t Cebuano ay isa sa mga
diyalektong sinasalita.
Mahilig sila sa mga
musika at mga sayaw sa saliw ng mga gong.Makukulay ang mga kasuotan.May iba’t-ibang
wikain tulad ng Bagjao,Cebuano,Kalibugan,Tausog,Subanum,Sanduka,Sibuku,Sama at
Chabakano.
Ang mga Muslim ay may
tradisyong tinatawag na Ramadan o Pausa.Ito ay ang hindi pagkain ng
mahabang panahon bilang sakripisyo at alay kay Allah,ang diyos ng mga
Muslim.Matapos ang mahabang panahon ng
hindi pagkain o sakripisyo ay nagdiriwang naman sila ng kapistahan na kung
tawagin ay Hariraya Hadji.Mayroon pa
rin silang isang tradisyon na ginaganap isang buwan sa isang taon at apat na beses
sa isang buwan tuwing Huwebes.Ang mag-aanak ay sabay-sabay na maliligo
sa dagat.Ang tawagdito ay Tulak Bala
May
paniniwalang ang mga Muslim na ang isang namatay ay dapat suotan ng kanyang
paboritong damit at bigyan o pabaunan ng tubig at pagkain dahil malayo ang
lalakbayin nito.
Ang mga Muslim ay hindi
kumakain ng baboy dahil para sa kanila ito ay marumi.Dito rin matatagpuan ang
mga Samals na magagaling sa paggawa ng Bangka na ang tawag ay Vintas.Itinuturing silang matatapang na
mandirigma sa dagat.Magaling din silang magsaka ng lupa at balita rin sa
paggawa ng tanso.Nanatili pa rin ang kaugalian ng mga Tausog na ang mga
magulang ang mag-aasikaso upang makasal ang kanilang mga anak kahit na hindi pa
nila halos kilala ang bawat isa.Dapat na magbigay ng dote ang lalaki sa
magulang ng babae na maaring alahas,pera,lupa o mga ani.
Nararapat na magsuot
ang mga babaeng muslim ng damit na mahaba ang manggas at ang tabas ng damit sa leeg ay makipot o
“closed neck”.Ang kanilang palda ay sarong.Ang mayamang muslim ay nagsususuot ng sedang sarong na magaganda
ang kulay at disenyo na may palamuting
perlas.Sa mga lalaki naman ang mahigpit na jacket at mahigpit na manggas.Ang pantalon ay koton,may
mahabang sash na nakapalibot sa kanilang baywang.At kapag sila ay nagtatrabaho
sa init ng araw ay nagsusuot sila ng sarong na sumbrerong kahawig ng salakot.
Sining
Kung sining ang pag-uusapan ang Rehiyon IX ay may
natatanging sayaw tulad:
* SUA-SUA- isang sayaw sa pag-iisang dibdib,
*SINGKIL- ang sayaw ng isang prinsesa na
pinapayungan habang madamdaming humahakbang sa apat na kawayan.Halos katulad
ito ng Tinikling; at ang
*KOPARANGKAMANIS-ay sayaw panghukuman.
Panitikan
May ibat-ibang anyo ng Panitikan ang rehiyong ito
tulad ng mga sumusunod:
a A. Iringa
o Kwentong Bayan
Hal. Si-amo ago si bowaya at Manik
Buangsi
b B. Kwentong
Subanon
c C. Alamat
ng Yakan
d D. Kabaraperanga-mga
tulang papuri sa bayani ng digmaan.
e E. Panaroon-mga
salawikain
F Antoka-bugtong
(sa Tausog Tigum-Tigum)
G. Dedao
so wata-awit sa pagpapatulog ng bata.
Mga Halimbawa ng Akda:
a. Alianapia(Tausog)
b. The
Guman of Dumalinao(Subanon of the Samboanga Peninsula)
c. Ang
tobig Nog Kibiklagan-kwentong panghimagsikan (Subanon)
d. Su
Guksugan Mikatag de Taibun-kwentong pag-ibig
e. Se
Ketubo ni Daugbulawan-Buhay ni Daugbulawan(Subanon)
Alamat
Kahulugan ng Alamat
Isang uri ng panitikan na nagkukuwento
tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang
nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook
at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa
salitang "legend" ng ingles.
Anghel
sa Kalangitan
(alamat kung bakit umuulan)
(alamat kung bakit umuulan)
Nooong unang panahon
ang mga tao sa mundo ay nagtataka kung bakit umuulan. Umaga hanggang gabi ay
nag-iisip sila, subalit wala ni isa sa kanila ang makapagsabi. Ngunit isang
araw, ang kanilang katanungan ay umabot sa Diyos. Sabi ng Bathala.” Gabriyel,
magtungo kasa mundo at sabihin mo sa mga tao na umuulan dahil ang mga anghel ay
naliligo. Dahil dito pumunta si Gabriyel, sa mundo ng mga tao at sinabi sa mga
tao na umuulan dahil naliligo ang mga anghel. At pagkatapos noon ay bumalik na
si Gabriel sa langit.
ANG
DALAWANG BUNBOK
(alamat ng dalawang bundokna nakatayo sa karatagan sa pagitan ng Zamboanga at Jolo.)
(alamat ng dalawang bundokna nakatayo sa karatagan sa pagitan ng Zamboanga at Jolo.)
Noong unang panahon,
may isang mag-asawang bagong kasal lamang. Gustong-gusto nilang bisitahin ang
mga magulang sa Zamboanga. Isang araw, nagpaalam sila sa mga magulang ng babae
na pupunta sila sa Zamboanga. Nang sila ay payagan, hiniram nila ang vinta at
layag ng ama ng babae.Inayos ng lalaki ang vinta at layag. Sinibukan niya ang
layag na ito at maayos naman.Pagkatapos nila sa paghahanda ng vinta, pinuno
nila ito ng pagkain at sila ay naglayag isang araw ng Biyernes. Umaga pa lamamg
ng araw ay nagsimula na silang maglayag. Habang sila ay naglalayag naitulak ng
malakas ng hangin ang kanilang vinta patungo sa karagatang ng Sulu hangang
marating nila ang Lampinigan sa Basilan. Pagkatapos ng isang lingo ay narating
din nila ang Zambaoanga, nagtungo sila sa bahay ng magulang ng lalaki .Masaya
ang mga magulang ng lalaki at ang kanilang anak ay nakapangasawa ng mabait at
magandang babae.
Isang araw, pagkalipas ng isang taon,
nagpaalam naang babae sa kanyang biyenan. Araw din ng Biyernes ng sila ay
umalis patungo sa Jolo. Ang dagat ay tahimik at walang makitang alon. Naghintay
sila na umihip ang hangin. At nagsimula nga umihip ang hanging amihan. At nang
hatinggabi na, ang ihip ng hangin ay nagbago at ang kapaligiran ay dumilim bigla,
nagkaroon ng bagyo. Wala na silang masisilungan dahil sila nasa gitna ng
karagatan. Hindi nila mapigil ang kanilang vinta
sa lakas ng hagin.
Habang hinahampas ang kanilang bangka ng mga alon, sila ay nagdarasal na lamang
sa Diyos. “ O Diyos ko pagpalain mo po kami. At kung kami po ay mamamatay, sana
po ang katawan namin ay maging dalawang kabundukan”, sabi ng lalaki. Pagkatapos
nilang magdasal sa Diyos at sa propeta nilang si Mohammed, nagyakapan silang
dalawa. Pagkalipas ng isang sandali tinamaan sila ng malakas na alon at sila ay
tumilapon sa dagat. Hindi na sila nakita. Pagkatapos ng bagyo ay lumitaw ang
dalawang bundok sa gitna ng karagatan. Ito ang pinagmulan ng dalawang
kabundukan na nakatayo sa karatagan sa pagitan ng Zamboanga at Jolo.
KWENTONG BAYAN (Zamboanga)
MANIK
BUANGSI
Hitik sa
pakikipagsapalaran at hiwaga ang bumabalot sa kwentong Manik Buangsi.Puno rin
ito ng damdaming makamandag, pagkainggit, kawalan ng tiwala sa kapwa, at
kahinaan ng tao.Tunghayan natin ang mga pangyayari.
Noon ay may isang sultan na may pitong anak na
dalaga. Ang bunso ang pinakamaganda sa lahat. Ang kanyang pangalan ay Tuan
Putli. Nang magdalaga si Tuan Putli ay maraming dugong bughaw ang lumigaw sa
kanya. Ngunit hindi niya pinansin ang mga ito, sapagkat sa kanyang panaginip ay
nakita na niya ang lalaki na kanyang iniibig. Siya ay si Manik Buangsi.
Datapwat si Manik Buangsi ay hindi isang pangkaranwang tao. Siya ang nilalang
na walang kamatayan at nakatira sa pook ng mga bathala. Sa panaginip lang niya
dinadalaw si Tuan Putli. Dumating ang araw na hindi na matiis pa ni Manik
Buangsi ang kanyang pag-ibig kay Tuan Putli. Kung kayat kinausap niya si Allah.
Pumayag naman si Allah na bumaba isi Manik Buangsi sa lupa. Si manik Buangsi ay nag-anyong isang
ginuntuang bayabas. Napasakamay siya ng isang matandang babae na pulubi. Nag
bigyan ni Tuan Putli ang pulubi ng limos ay ibinigay naman ng pulubi ang prutas
sa kanya. “Itanim mo ito sa hardin,” ang bilin ng pulubi kay Tuan Putli.”“ Ang
bungang nito ay siyang iyong kapalaran!”. Itinanim ni Tuan Putli ang bunga.
Tumubo agad ito at nagbunga ng marami. Pinitas nito ang pinakamalaki at
pinakamgandang bunga at iyo ay dinala niya sa loob ng kanyang silid. Sa loob ng
bungang iyon ay naroon si Manik Buangsi. Sa gabi, nagmumula sa bungang iyon ang
isang kakaibang liwanag. Pagkatapos, lalabas si Manik Buangsi at panonoorin ang
mukha isang magandang dayang-dayang. Saka lamang siya bumabalik sa loob ng
bunga kapag tumilaok na ang manok. Ngunit sa isang pagkakaton ay nakatulog si
Manik Baungsi. Nang magising siya ay nakasikat na ang araw. Gayon na lamang ang
pagtataka ng dalaga. “Kung gayon, isa kang katotohanan!” bulalas ni Tuan Putli.
Ngumiti si Manik Buangsi. “oo Wika niya. At narito ako upang pakasalan ka!.
Naganap ang kasalan ni Tuan Putli at Manik Buangsi at sa piging na iyon ay
bumaba ang mga bathala mula sa kalangitan upang masaksihan ang pag-iisang
dibdib ni Tuan Putli at
Manik Buangsi. Nanatili
sina Manik Buangsi at Tuan Putli sa lupa. Sa kabilang dako, naninibugho ang mga
kapatid ni Tuan Putli sa kanyang magandang kapalaran. Hanggang sa naisip ng
tatlong dalaga na sirain ang magandang ugnayan ng dalawa. “ Hindi ka dapat
magtiwala sa asawa mo,” sabi ng isa kay Tuan Putli. “ Maaring isa lamang siyang
masamang espirito!” “ Maganda siyang lalaki,” wika pa ng isa pa. “ sigurado mo
bang ikaw lang ang babaeng minamahal niya?” “ Sa tingin ko ay isa ka lamang sa
mga babaeng dumaan sa buhay niya,” sabi sa kanya ng isa pa, “Paluluhain ka niya
balang araw!” Dahil sa patuloy sa
paninira ng kanyang mga kapatid ay tuluyan nang nalason ang kanyang isipan.
Naging selosa si Tuan Putli sa kalaunan. Palagi na niyang inaaway si Manik
Buangsi. Hanggang sa dumating ang panahong napuno na si Manik Buangsi.
Ipinasiya niyang bumalik na sa kanyang pinagmulan. Sa kapangyarihang taglay
niya ay biglang isang lumabas ang isang mabikas na puting kabayo at isang kris.
Nagsisi si Tuan Putli at nagmakaawang isama siya ni Manik Buangsi. Pumayag
naman si Manik Buangsi.Sa kanilang paglalakbay ay biglang binalot sila ng makapal
sa alikabok. Ang mga dahon ng mga damo sa paligid ay nagmistulang kris, ngunit
buong tapang na sinagupa ni Manik Buangsi ang lahat. Hanggang sa dumating sila
sa isang mahaba at makipot na tulay. Sa ilalim ng tulay ay isang ilog na
kumukulo at mula roon ay maririnig ang daing ng mga nagdudurusa kaluluwa.
Mahigpit ang yakap ni
Tuan Putli sa baywang ng asawa. “ hindi ako magdidilat ng mata,” pangako niya.
“ pipikit ako!.” Nagsimula silang tumawid sa makipot sa tulay, sakay ng kabayo.
Ngunit hindi kaginsa-ginsa’y, biglang nakarinig ng tinig si Tuan Putli. Siya
ang tinatawag nito.“Tuan Putli! Tuan Putli! Tuan Putli!” daing ng tinig. Ang
tinig na iyon at tulad ng kanyang yumaong ina! Bigla nitong iminulat ang mga
mata at tumingin sa ibaba. Dahil sa takot sa nakita ay nakabitaw
ito at nahulog sa
kailaliman. Mula noon mag-isa na lang si Manik Buangsi na nakarating sa
kaharian, ngunit malungkot ito sa pagkamatay ng asawang hindi nakinig sa kanya.
Awiting Bayan
• INAKU
DURINGDING (Awiting Bayan mula sa Zamboanga)
Inaku
duringding
Umaga na yata
Nagtitilaukan na
Ang manok sa lupa.
Kayat ang sabi ko
Sa matanda’t bata
Matulog n ngayon
Bukas ay gawa.
Umaga na yata
Nagtitilaukan na
Ang manok sa lupa.
Kayat ang sabi ko
Sa matanda’t bata
Matulog n ngayon
Bukas ay gawa.
• DORI-DORI
SINGKIL
Dori-Dori
Singkil
Mang Manuel
Dagil Mang
Iskong Kolikoy
At mang Juan Bambo.
Mang Manuel
Dagil Mang
Iskong Kolikoy
At mang Juan Bambo.
Isang Awit
a.Dont you go,don’t you go to far Zamboanga,
where you may forget your darling far away.
where you may forget your darling far away.
b. Tap Tap mamamayan (Ang Pag-ibig natin)
Tap Tap mamayan ha daimman
Ing saksi nato ing kiraman
Ikaw baa-yan buddiman
Tungal wai limbangan.
Tap Tap mamayan ha daimman
Ing saksi nato ing kiraman
Ikaw baa-yan buddiman
Tungal wai limbangan.
Salin sa Filipino
Pag-ibig nati’y walang katapusan
Saksi nating ang kalangitan
Ikaw’y ubod ng kadalisayan
Isang walang makapantay.
Saksi nating ang kalangitan
Ikaw’y ubod ng kadalisayan
Isang walang makapantay.
Ang Bugtong ng Rehiyon IX
Ayon kay Charles Francis Potter ay isang
mahalagang metapora at ito ay resulta ng pangunahing prosesong mental ng
pagsasama-sama, at ito ay pagkakahawig, at persepsyong pagkakapareho at
pagkakaiba.Ang bugtong ay isang paligsahan ng kaalaman at isang paraan upang madebelop
ang talas ng pag-iisip at obserbasyon.
Para naman kay Allan Dendes at Robert Georges ang bugtong ay isang tradisyonal na ekspresyon na
naglalaman ng isa o o mahigit pang elementong naglalarawan, pares na ang isa ay
tutol na nangangailangan ng kasagutan na maaring hulaan.
Ang bugtong ay isa sa
pinakaunang porma ng pag-iisip.Ang mga primitibong tao ang nagsimula
nito.Subalit noon ito ay kilala bilang isang sagrado at pinaniniwalaang
nagtataglay ng kapangyarihan.Ito ay isang berbal na laro o isang paligsahan sa
talas ng kaisipan na naging popular na libangan.Ang tawag ng mga Tausog sa
bugtong ay “tigumtigumo tukodtukod” na mula sa salitang tukod
na ang ibig sabihin ay hulaan.May dalawang uri ng bugtong ang mga Tausog:ang
isa ay ang tinatanong sa isang kaswal na pag-uusap at ang ikalawa ay ang inaawit
sa isang okasyon.Subalit sa parehong kaso, ang
taong pinagtatanungan o
taong kinakausap ay kinakailangang magbigay ng kasagutan.Subalit ang mang-aawit
na siyang umaawit ng bugtong ang siyang magbibigay ng kasagutan pagkatapos
manghula ng mga manonood.
Mga Manunulat ng Rehiyon IX
Antonio
Descallar
Isinilang sa Sindangan
Zamboanga noong Hunyo 15, 1952.Nag-aral sa isang pampublikong paaralan at nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Misamis Occidental Institute at sa College of
law sa AU.Nagwagi siya ng unang gantimpala sa timpalak ng pagsulat ng tula na ginanap
noong 1949.Kauna-unaha niyang tula na napalimbag ay ang “Now Before the
Conqueror”.
Antonio
Enrique
Siya ay sumulat ng
mga maikling kwento tungkol sa mga kristiyano at mga Muslim sa Timog na
nakatagpo at nakasalamuha niya sa buhay,tungkol sa probinsya,bayan at mga
baryong kanyang tinitirhan at binibisita at tungkol sa mga obserbasyon at mga
karanasan.Tumanggap siya ng dalawang gantimpala sa Palanca sa kanyang maikling
kwento sa
Ingles,ikatlo noong
1969,una noong 1973.Pinalimbag ng writers Association of Dumaguete City ang
kanyang unang aklat ang “Spot On Their Wings”.
Ignacio
Alvarez Enrique
Pinanganak sa Zamboanga
City kung saan din niya tinapos ang
kanyang pre-college
education.Pumunta sa AU,kung saan niya natapos ang AB degree(1951) at
matapos iyon ay nag-aral siya sa
University of IOWA.Bilang iskolar narrating niya ang University of Madrid.Pinagkalooban
siya ng salapi ng pamilya Zobel de Ayala.Mula noon sinimulan niyang sulatin ang
kanyang nobelang “ The House Juan” na hindi naipalimbag.Dalawa sa kanyang
maikling kwento ay nagwagi sa Philippine Free Press Short Story Contest.”Death
of a House”,ikalawang gantimpala,1951 at “The Doll”,ikatlong gantimpala. Noong
Pebrero 20, 1971 ay ipinalabas sa UE sa Auditorium ang dulang “As Between Two
Mirrors” na kanyang isinulat at hinango sa kanyang nobela.Ang iba pang aklat
niya na naipalimbag ay ang “Three Philippine Epic,Plays at House of
Images”(1953), at ang The White House of Ali at Other Stories”(1985).
Olivia
Acas
Baguhan pa lamang siya sa larangan ng pagsusulat ng
tula ngunit ang kanyang mga naisulat ay naipalimbag na sa palimbagan.
Ibrahim
A. Jubair
Siya ang kauna-unahang
fictionist ng Zamboanga na ginantimpalaan ng Presidential Certificate of Merit
in Literature for Teaching the Filipino-Muslim sa kanyang panahon.Bukod sa
pagiging manunulat ng tula at mamamahayag
isa rin siyang kolumnista sa isang pahayagan ng Zamboanga City at editor
ng Cresent Review.Ang aklat I Jubaira ay ipinalimbag hindi lang ng Free Press
Pacific Quarterly(South Korea) at ng The Times of Ceylon.
Gonzalo
Villa
Isang manunulat ng
maikling kwento at mananalaysay,ipinanganak sa Zamboanga City ng isang
maykayang pamilya .Naging news editor siya ng Atenean ,isang pampaaralang
pahayagan na siyang pinaglathalaan ng ilang mga akda niya.Una niyang kwento ang
“When Death Struck”.Nagwagi siya sa Pambansang Paligsahan sa pagsulat ng
sanaysay noong 1946,ito’y pinamagatang “The Role of America in the
Rehabilitation of the Philippines”.Kabilang sa mga sinulat niyang nagwagi ng
gantimpala ay ang Footnoteof America at pinalitan niya ng “Death of Illusion”,
“Barrio Miracle”, “A Voice of Rama”.
Isinaliksik ni:
Mike Angelo Azaña Obiña
BSEd 2B
Isinaliksik para kay:
Dr Clarita M. Peña
Instruktor
Sanggunian:
http://www.slideshare.net/MichelleFlorida/panitikan-ng-rehiyon
http://zambo.da.gov.ph/profile.html